Go to index page

History

User's List

Products

Inquiry Sheet

Fuel Kcal
Water Treatment

Hamada Boiler
Hamada Dayateknindo, pt
Sabgrila Indah Dua, JI.Sakti II, No.15, Ciledug Raya,
Kebayoran Lama, Jakarta 12270 INDONESIA
Tel : +62-21-7353167 , +62-21-73883546
Fax : +62-21-73883402
Teknolohiya ng Pagsasaayos ng Tubig | Home |
| Datos na Ginagamit sa Water Chemistory | | FAQ |
PAGSASAAYOS SA BOILER FEED-WATER
Sadyang napakahalaga ng tamang pagsasaayos sa boiler feed-water upang mabawasan ang gastusin sa pagpapatakbo nito, at para na rin mapahaba ang buhay ng mga kagamitan sa pabrika. Kinakailangan ang pagsasaayos na ito sa mga boiler, feed-system, at lalung-lalo na sa mga makabagong boiler na may mataas na antas ng pagpapasingaw. (Kung mas mabilis magpasingaw ng tubig ang isang boiler, mas mabilis ang pag-ipon ng mga di kanais-nais na matitigas na mga bagay sa boiler). Halimbawa nito ang mga maliliit at malalaki na water-tube boiler, ang tipikal na fire-tube packaged boiler, at steam generator. Lahat ng di naayos na tubig ay may halong natural na asin, at kailangan silang ayusin upang maiwasan ang pagbubuo ng mga di kanais-nais na bagay. May tatlong dahilan para sa pagsasaayos ng tubig:
  • Upang maiwasan ang corrosion sa mga sistema ng boiler tulad ng feed-boiler, pagpapasingaw, at condensate system
  • Pag-iwas sa pagbubuo ng mga di-kanais-nais na matitigas na bagay
  • Matipid na paggamit sa boiler na walang carry-over.
Ang corrosion ay siyang sanhi ng pagkanipis ng kapal ng mga tubo at kinalalagyan ng boiler. Ang resulta nito ay ang pagbaba sa presyon ng boiler, at kinakailangan na ring itapon ito. Ang mga matitigas na bagay sa boiler ay maaaring pumigil sa daloy ng init papunta sa kinalalagyan ng tubig. Maaaring maging sanhi ito ng kawalan ng init sa boiler, na kinakailangan pang gatungan muli upang makarating sa tamang temperatura.

Pangunahing Chemistry sa Epekto ng mga Di Kanais-Nais na Bagay sa Boiler. Kung gagamitin natin ang purong tubig na walang halong di kanais-nais na bagay, hindi na kinakailangang isaayos pa ang tubig na ito.

IMPURITY

EFFECT ON A BOILER

1. Dissolved gases Corrosion
2. Calcium salts and magnesium salts These salts are the 'hardness'in the boiler.
Some salts can also cause corrosion
3. Silica Can form a very hard scale.
4. Suspended solids and dissolved solids Contribute to, or cause, carry-over (*)
(*) Ang carry-over ay iang terminong ginagamit bilang isang pantukoy sa kaunting matitigas na bagay na sumasama sa singaw na nanggagaling sa boiler. Maaaring maging sanhi ng carry-over ang pagkakaroon ng bula sa boiler dahil masyadong maraming tubig na ibinuhos sa boiler. Pareho ito sa bula na matatagpuan sa simpleng pagpapakulo ng tubig.

Kahit sa mga barko at sa mga pabrika, na kung saan ginagamit ang tubig na nanggagaling sa pagpapalamig ng singaw, ang kakaunting di-purong mga sangkap ay maaari ding maging sanhi ng corrosion, carry-over, at ang pamumuo ng matitigas na bagay. Kinakailangan ding isaayos ang tubig na ito. Narito ang mga ilan sa mga di-purong mga sangkap na matatagpuan sa tubig:

1. Tunaw na uri ng hangin

Ang dalawang uri ng hangin na nagiging sanhi ng corrosion ang oxygen at carbon dioxide. Kung natunaw ang carbon dioxide sa tubig, maaari itong gumawa ng mahinang asido na maaaring kumain sa metal ng feed system, boiler, at condensate system. Ang oxygen ay natural na nanggagaling sa tubig, na sanhi ng pagkakaroon ng kalawang sa bakal na ibinabad sa tubig. Ang pagkalawang na ito - isang uri ng corrosion - ay magpapatuloy hanggang tuluyang maubos ang bakal. Kung kakaunti lamang ang oxygen sa tubig, hindi magkakaroon ng kalawang, ngunit maaaring magkaroon ng patina sa bakal. Ang patina na ito ay kagaya rin ng kalawang, ngunit hindi kasing kapal at mas mabigat kaysa sa ordinaryong kalawang. Mainam ang ganitong klaseng kalawang, ngunit maaari pa ring kainin nito ang bakal.

2. Asin mula sa calcium at magnesium

May dalawang klase ng katigasan: panandalian at permanente. Ang panandaliang tigas ay dahil sa mga bicarbonate ng calcium at magnesium na maaaring mga carbonate kung pinakulo ang tubig. Narito ang mga kemikal na proseso na nangyayari sa boiler: Calcium bicarbonate + init Calcium carbonate + carbon dioxide + tubig Natutunaw ang calcium at magnesium bicarbonate sa tubig, ngunit hindi natutunaw ang mga carbonate at naiiwan lamang sa tubig bilang puting pulbos. Maluluto ang pulbos na ito sa boiler at magiging napakatigas na dumi. Ang permanentent katigasan ay sanhi ng calcium at magnesium sulfates, chlorides at nitrates, at hindi natatanggal ang mga asin na ito sa pamamagitan ng pagpapakulo. Dahil na rin sa dami ng asin, maaaring mapunta ang mga di kanais-nais na bagay na ito sa pinakamainit na bahagi ng heating surface. Ang mga asin ng magnesium ay maaari ding magdulot ng corrosion, tulad ng magnesium chloride na maaaring bumuo ng hydrochloric acid.

3. Silica :

Silica forms scale in a similar way to the permanent hardness salts. When the scale formed is a mixture of silica, calcium and magnesium salts, it is very hard and therefore presents a difficult problem at inspection time.

Ang silica ay maaaring bumuo ng permanenteng katigasan tulad ng asin. Matigas ang naghalong mga kemikal tulad ng silica, calcium, at magnesium salts. Mahirap itong tanggalin, at maaaring mahirapan ang mga kawani ng pabrika tuwing inspeksyon.

4. Mga tunaw o di gaanong tunaw na solido:

Ang mga tunaw o di gaanong tunaw na solido ay maaaring magdulot ng bula dahil ito ay nasisipsip ng iba pang hiwalay na bula. Sa halip na gumawa ng malaking bula, maraming maliliit na bula ang maaaring mabuo sa tubig sa boiler. Kung ang mga bula na ito ay pumutok sa pasingawan, maaaring masama ang tubig sa singaw.

Tubig: Ang Pangunahing Kinakailangan Para sa Pagpapasingaw

Ang tubig ang tanging kemikal na madaling hanapin na maaaring maging yelo, tubig, at singaw sa lahat ng temperatura ng mundo. Kaya nitong tumanggap ng init sa kahit anong temperatura, di tulad ng ibang mga kemikal na di gawa sa carbon. Lumalawak ang tubig ng 1600 beses kung ito'y sumusingaw. Ang singaw ay maaaring magdala ng init. Dahil sa mga katangiang ito, ang tubig ay isang napakahalagang paraan upang gumawa ng enerhiya, kuryente, at init. Lahat ng mga natural na tubig ay may nilalaman na iba't ibang di kanais-nais na bagay, tunaw na hangin, at mineral. Sa tubig-dagat, maaaring 30 kg sa bawat 10001 bahagi ang mga bagay na ito. Sa preskong tubig, 5 gramo hanggang 1 kg sa bawat 10001 bahagi ng tubig ang maaaring maging di kanais-nais. Ang mga di-purong sangkap na ito ay mahalagang dapat pagtuunan-pansin kung gagamitin sa pagpapasingaw. Ang pagsasaayos sa tubig para sa boiler feed ay nararapat lamang na gawin itong puro at hindi makasisira sa disenyo ng boiler. Di kinakailangang matanggal ang lahat ng di kanais-nais na bagay na ito, dahil ang mismong pagpapainit ng tubig ay maaari na ring makatulong sa pagtanggal ng mga di-purong sangkap sa tubig.

 
Kasaysayan Listahan ng Gumagamit Produkto Talaan ng Sinisiyasat
Go to Top of this page