Go to index page

History

User's List

Products

Inquiry Sheet

Fuel Kcal
Water Treatment

Hamada Boiler
Hamada Dayateknindo, pt
Sabgrila Indah Dua, JI.Sakti II, No.15, Ciledug Raya,
Kebayoran Lama, Jakarta 12270 INDONESIA
Tel : +62-21-7353167 , +62-21-73883546
Fax : +62-21-73883402
Kasaysayan | Home |

ANG AMING KASAYSAYAN
Noong 1976, bilang tugon sa daigdigang krisis na nagpabagsak ng ekonomiya ng karamihan sa mga bansang Asyano, ang aming kumpanya, Hamada Boiler, ay ipinakilala, ang ngayong tanyag na, Hamada Multi-Fuel-Fired Boiler. Ipinakilala muna ito sa Pilipinas pagkatapos dalhin sa iba’t-ibang bansang Asyano. Ang boiler na ito ay gumagamit ng mura at masaganang piyuwelong biomass gaya ng laman ng buko, balat ng buko, at kahoy. Sa mga lumipas na taon, ang aming produkto ay naging kumpetitibo, lalo na sa mga bansa kung saan ang presyo ng langis, na relatibo sa mga aksayang materyales, ay inaasahang tumaas. Ang nakakagulat na pagtangkilik sa aming produkto ay nagdulot ng maraming pagbabago sa kapasidad ng aming planta para sa produksyon. Inspirado sa aming pangunahing tagumpay sa merkadong Asyano at natulungan ng lubos na pagsasaliksik sa mga naangkop na larangan ng teknolohiya ng boiler at kung paano gumagana ang pagsunog ng boiler, ang aming kumpanya ay naglunsad ng agresibong tulak sa paggawa. Kami ay nakabuo ng iba’t-ibang klase, at modelo ng boiler na pinapatakbo sa pamamagitan ng mga aksayang bagay. Sinaliksik naming ang mga pangangailangan ng bawat bansa at ang dami ng mga aksayang bagay na pwedeng pumalit sa langis. Ginamit naming ang aming mga nalaman sa paggawa ng mga boiler para iba’t-ibang bansa. Para maging mas kompetitibo ang aming produkto at para masiguro ang aming mga kliyente na may mga boiler na nakahanda, kami ay nagtaguyod ng mga linyang pang-distribusyon sa iba’tibang punto ng Asya, gaya ng Pilipinas, Thailand, Vietnam, at Indonesia. Ang aming planta na gumagawa ng mga boiler ay produkto ng masibong pagtutulungan. Ito ay itinayo sa Hangzhou, Tsina. Ang kasalukuyang lokasyon ng aming planta ay makatulong sa pagpapalakas namin sa merkadong Asyano.

TEKNOLOHIYA NG PANG-INITANG TUBO
Ang Hamada Boiler Manufacturing Plant ay nagtungo sa produksyon ng mga Pang-initang Tubo upang gamitin ang mga ito sa mga taga-lipat ng init. Sa paggamit ng mga pang-initang tubo sa pagbawi ng naaksayang init, kami ay naka-likha ng Boiler na Binabawi ang Nasayang na Init para sa mga Disel na Generator sa mababang presyo. Napakaraming aplikasyon ang puwedeng paggamitan ng mga pang-initang tubo gaya ng pagbawi ng init sa aircon ng gusali, pagbawi ng inti sa mga itinatapong tubig na galing sa makinang pangkulay/pangtatak. Kami ay tumatanggap ng iba’t-ibang klase ng mga gawa nang disenyo ng taga-lipat ng init.

FLUIDIZED BED BOILER NA PINATATAKBO SA PAMAMAGITAN NG COAL
Ang isa pang matagumpay na nagawa ng Hamada Boiler ay sa larangan ng paggawa ng mga maliit at may katamtamang sukat na Fluidized Bed Combustion Boiler. Ang mga boiler na ito ay may kapasidad na 1 tonelada hanggang 40 tonelada/H. Ang Fluidized Bed Boiler ay noon pang monopoliya ng mga malalaking kumpanyang gumagawa ng boiler at karamihan sa kanila ay gumagawa ng mga boiler na may higit sa 40 tonelada/h na kapasidad para sa mga pangangailangan ng mga planta ng enerhiya. Ang Hamada Fluidized Bed Boiler ay gumagawa lamang ng mga boiler na maliit o may katamtamang sukat. Ang mga order para gumawa malalaking boiler ay hindi naming tinatanggap o hindi naming mabibigyan ng kompetitibong presyo. Ang Hamada Boiler ay nakapagtatag ng hindi matalo-talong rekord sa dami ng mga naikabit na FBC Boiler sa mga Asyanong teritoryo sa mga nakalipas na taon.

Sa taong 2000, may ilang kumpanyang Hapon sa Indonesia na nagsimulang gumawa ng kanilang mga plantang tumatakbo sa pamamagitan ng uling. Ang Hamada Boiler ay nakatanggap ng marami at pare-parehong order sa mga kumpaniyang iyon para magkabit ng Paikutang Fluidized Bed Boiler (CBFC) na may 35 at 75 tonelada/H na kapasidad. Apat na planta ng enerhiya ang nagawa sa taong 2006 at ang Hamada Boiler ay kasalukuyang tumatanggap ng order ng CBFC na may laking 135 tonelada/H 100 pwersa mula sa bar at 530 oC na temperature ng singaw para sa spesipikasyon ng planta ng enerhiya

ANG BAGONG BOILER NA MAY PANLOOBANG PANGKAYOD NA DI-KADENA AT PINAPATAKBO SA PAMAMAGITAN NG COAL
Para tugunan ang demanda para sa maliit na parelang boiler na pinapatakbo sa pamamagitan ng COAL, ang Hamada Boiler ay gumawa ng rebolusyonaryong disenyo ng Boiler na may Pinagsusunugang Tubo at may Stoker na Naglalaman ng Pangloobang Kadena na may todong haba. Ang boiler na ito ay maliit at maaaring ikabit sa loob ng gusali kung saan ang boiler na pinapatakbo ng langis ay dating tumatakbo ng hindi naghahanap ng malaking espasyo para sa bagong boiler. Ang numero ng mga lumilipad na abong galing sa kadenang pangkayod ay maliit kumpara sa ibang sistema. Kami ay naniniwala na ang COALMAC BOILER na ito ay siguardong makakahanap ng magandang merkado sa mga bansang mainam sa coal.

 
Kasaysayan Listahan ng Gumagamit Produkto Talaan ng Sinisiyasat
Go to Top of this page