Go to index page

History

User's List

Products

Inquiry Sheet

Fuel Kcal
Water Treatment

Hamada Boiler
Hamada Dayateknindo, pt
Sabgrila Indah Dua, JI.Sakti II, No.15, Ciledug Raya,
Kebayoran Lama, Jakarta 12270 INDONESIA
Tel : +62-21-7353167 , +62-21-73883546
Fax : +62-21-73883402
Mensahe ng Taga-Pangulo

| Home |

hamada.gif (68407 bytes)
Kazuhiro Hamada
Chairman of
Hamada Boiler Group

Ang mensaheng ito ay linathala upang maiparating sa mga interesadong kumpanya ang aming mga patakaran. Ginawa rin ito para makataguyod ng mga magagandang pagkakataong pang-negosyo.

Sa kasalukuyan, maraming internasyonal na kumpanyang tanyag sa pagbebenta ng boiler ang aming katalastasan. Kami ay naghahanap ng mga posibleng kasosyo sa iba’t - ibang bansa upang makipagpalitan ng mga ideya at kaalaman sa teknolohiya ukol sa pagyayari ng mga boiler. Gaya ng isinasaad dito sa aming website, inilipat namin ang aming naunang pabrika ng boiler sa Tokyo papunta sa aming kasalakuyang lokasyon sa Shanghai, China nung 1980. Nakataguyod pa sa Tsina ang kanilang batas ng pagsasara sa mga internasyonal na companya nung panahong iyon, ngunit kami ay kanilang malugod na tinanggap. Nung magsimula ang aming operasyon sa Tsina, kami ay nagulat sa antas ng kaalaman ng mga Tsino sa larangan ng industriyang pangmakina, lalo na sa paggawa ng mga boiler at mga gamit na kinakailangan para sa pagbubuo ng enerhiya. Mapalad kami na maging kasosyo ang maraming propesyonal sa Tsina upang makabuo ng teknolohiya sa pang-sunog ng Fluidized Bed, mga Heat Pipe, at sa iba pang kaparehang larangan.

Ang aming mga binebenta at binibigay na serbisyo ay nakalista sa ibaba. Kung ikaw ay interesado sa mga bagay at serbisyong nakalista, tawag lang kayo sa aming contact number o magpadala lang kayo ng e-mail. Kami ay natutuwang makipag-negosyo sa inyo.

Suplay ng Lalagyang Pampresyon ng Boiler
Kami ay tumatanggap ng mga order na gumawa ng kahit anong lalagyang pampresyon ng boiler, depende sa iyong disenyo at hinihingi ng kodigo. Ang presyo ay pwedeng pag-usapan depende sa sitwasyon. Kadalasan, ang aming mga presyo ay US Dollar sa bawat timbang/tonelada at FOB Shanghai, China port basis. Kung kayo ay nagpadala ng inyong mga disenyo, padadalhan naming kayo ng aming talaan ng presyo batay sa bawat tonelada ng bakal na gagamitin. Sampung taon na naming ginagawa ang praktis na ito sa iba’t – ibang bansa sa Asya. Kung kayo ay interesado sa aming pinakabagong modelo at gusto niyong ilagay ang inyong sariling tatak, tatanggapin naming ito sa kondisyong walang salungatang pang-negosyo sa inyong lugar.


Paggawa/Suplay ng Steel Drum
Tumatanggap kami ng order sa pagsusuplay ng dram na magsisilbing pasingawan o kaduluhan ng plato lamang, ayon sa inyong disenyo at spesipikasyon. Puwede kayong mag-talaga ng isang ahensyang magsusuri sa aming paggawa at sa kabuuang produkto bago ito ipadala sa inyo.

Pagdisenyo/Suplay ng Small/Medium Fluidized Bed Combustor
Mayroon kaming disenyo ng small/medium size (mula 1 ton/h hanggang 40 ton/h evaporation) Fluidized Bed Combustor na kasya sa karamihan ng mga boiler body. Kung gusto niyong pag-isahin ang inyong boiler at pang-sunog ng Fluidized Bed, matutulungan naming kayo sa larangang iyan. Ang teknolohiya ng Fluidized Bed ay binuo sa Tsina upang makadisenyo ng boiler na kayang sunugin ang mababang uri ng “lignite coal” na naglalaman ng malaking tumbas ng tubig at abo na may tumbas na mababang kaloriya na umaabot sa 2,000 Kcal/Kg.  

Suplay ng Iba’t Ibang Klase ng Sistemang Pangkayod
Katuwang naming ang maraming pabrika na tanyag sa paggawa ng sistemang pangkayod. Naniniwala kami na ang presyo n gaming produkto ay kayang makipag-kompitensya sa pang-internasyonal na merkado. Noong nakaraang siglo hanggang sa ngayon, “coal” ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya sa Tsina. Sa aming pagsusuri, ang teknolohiya ng Tsina sa pagpro-proseso ng fuel ay sadyang umabot na sa mataas na lebel.

Sari-Saring Kasangkapan ng Boiler
Ang Hamada Boiler ay gumagamit ng mga kasangkapan ng boiler na gawa sa Tsina gaya ng fans, motors, water softeners, superheater, economizer, air-preheater, accumulator, dearator, steam driven pump at marami pang kagamitang pang-boiler sa huling 20 na taon. Aming napatunayan na ang kalidad ng Tsina sa paggawa ng mga boiler ay tanyag sa buong Asya. Ang aming mga isinusuplay na kasangkapan ng boiler ay paniguradong kompetitibo ang presyo. Ipadala niyo sa amin ang inyong kabuuang disenyo at spesipikasyon, at agad-agad naming ipapadala sa inyo ang talaan ng presyo. Sa ngayon, wala kaming ibinibigay na kondisyon para sa mga minimong order. Hahandugan namin kayo ng serbisyo kahit maliit ang kinakailangang trabaho sa bawat order. .

Materyal Para sa Heat Pipe at Heat Pipe Boiler
Sa lahat na aming mga produkto, maaaring ang aming mga Heat Pipe ang sadyang pinagkaka-interesan ng maraming bansa. Ang aming mga heat pipe ay hindi binubuo sa larangang pang “hi-tech,” tulad ng isang “cooling coil heat pipe” sa loob ng kompyuter. Ang pinagtutuunang pansin ng Hamada Boiler ay ang palitan ng init para sa “steam at hot water boiler,” “air-preheater” at iba pang “industrial heat exchanger.” Maari naming kayong suplayan ng materyales para sa heat pipe o sa assembled unit lamang. Ipadala niyo na lang sa amin ang spesipikasyon ng inyong heat pipe, gaya ng kondisyon ng “waste gas” at singaw.

Boiler Design Engineering
Nagbibigay kami ng serbisyong “boiler design engineering” para sa mga boiler na gumagamit ng ispesyal na piyuwel. Ito ay maingat na ibinubuo ng isang koponan ng inhinyero mula sa termal na kalkulasyon. Para sa kinakauukulang proyekto, matutulungan namin kayo dahil marami kaming katuwang na pang-gobyernong institusyon. Bawat institusyon ay naglalaman ng maraming propesyonal at mga makabagong laboratoryo.
 
 
Kasaysayan Listahan ng Gumagamit Produkto Talaan ng Sinisiyasat
Go to Top of this page