COAL-SLUDGE
FIRED FLUIDIZED BED BOILER
Ang pagmimina ng uling ay isang pangunahing industriya sa Kalimantan. Maraming mga minahan na may sariling proseso sa paghuhugas ng uling para makapag-luwas ng uling sa pandaigdigang kalakalan. Marami sa mga minahan na ito ay kayang magproseso ng 2,000,000 tonelada ng uling bawat taon. Kinakailangan nating alamin na 5% ng uling na ito ay napupunta sa waste-sludge settling pond. Para sa bawat minahan ng uling, ang 5% ng uling na ito ay isang “total loss” at itinatala sa mga libro bilang kawalan. Bawat 3-5 araw, ang mga pinong sayang na uling ay tinatanggal gamit ang mga trak para mailipat ito sa likod ng pabrika. Ang sayang na uling na ito ay nagiging malaking problema para sa mga kompanyang may pasilidad para sa paghugas ng uling. Nagdisenyo ang Hamada Boiler ng isang 35 ton/h boiler na gumagamit ng coal sludge, kasama ng isang 6000 KW condensing steam turbine na ginagamit sa mga prosesong industriyal. Kayang magsunog ng boiler na ito ng 100,000 tonelada ng coal sludge bawat taon. Kinakailangang maproseso ang coal sludge sa isang cylinder, at ihuhulog mula sa tuktok ng furnace pababa sa fluidizing bed. Hindi mabubuhat ng hangin mula sa boiler ang cylinder hanggang umabot ito sa fluidizing bed. Ang masa ay mahuhulog sa bed at awtomatikong maikakalat dahil sa moving bed effect. Ang fly ash ay maaaring i-mudmod uli sa furnace para muling masunog. Isang non-overflow operating technique ang maaaring gamiting upang makontrol ang istabilidad ng fluidized bed.
Mensahe sa lahat ng minahan ng uling sa buong mundo
Inaasahan namin ang mga tanong ukol sa espesyal at mahalagang coal sludge fluidized bed boiler na aming sinaliksik at ginawa para sa inyo. Maaari po ninyo kaming matanong ukol dito sa pamamagitan ng e-mail. |