COMPACT
WATERTUBE FLUIDIZED BED BOILER
Pinagpapatuloy ng Hamada Boiler ang pananaliksik sa mga iba't ibang klase ng "Fluidized Bed Boiler" para sa mga pangangailangan ng maraming industriya sa rehiyon. Ginagamit ng DF series ang sikat na model "D" "boiler body" bilang isang "pressure vesel." Ginagamit nito ang sari-saring mga bahagi para sa "D" model upang maging madali ang pagsasaayos at pagkukumpuni nito. Kaunting pag-aayos at modipikasyon lamang ang kinakailangan upang gawing DF-type ang isang D-model boiler body, maging "fixed grate type" man ito o "travelling gate type." Ginagawa ito sa pamamagitan ng paggawa ng fluidized bed combustion chamber sa ilalim ng model body. Ikinakabit ang dalawang bahaging ito sa pamamagitan ng "up going tube" at "down commer tube." Marami nang ganitong modelo na ginagamit sa iba't ibang bansa, tulad ng Indonesia. |