|
FLUIDIZED
BED RICE HULL FIRING BOILER
Sa Thailand, ang pinakamalaking prodyuser ng bigas sa buong mundo, ang malalaking gilingan ng kanin na kanilang ginagamit ay may boiler na pinapatakbo gamit ang balat ng bigas. Ang bawat boiler ay may turbinong pang-singaw na kumukuha ng pwersa galing sa balat ng bigas. Mayroong dalawang sistema ng pagsunog sa talupak ng bigas. Ang isa ay disenyo ng Yosihimine Boiler para sa nakahapay na pangkayod, kung saan ang mga talumpak ay manggagaling sa taas ng nakahapay na pangkayod. Ang mga talumpak ay bababa sa pangkayod habang nasusunog. Sa dulo, ang mga talumpak ay magiging karbon dahil sa lubos na pagkasunog. Ang ganitong klaseng karbon ay may sariling merkado sa Japan, Germany at iba pang bansa.
Kung hindi mo na kinakailangang ibenta ang naiwang karbon sa mga balat ng bigas, ginagamit naming ang sistema ng pagsunog sa “fluidized bed” para gawing putting abo ang balat ng bigas. Dahil sa mga ispesyal na katangian ng balat ng bigas, ang kombensyonal na sistema ng pagsunog ay di maaring gamitin kapag ang lubos na pagsunog ang kinakailangan. Ang mainam na pagsunog ng talumpak ay may dalawang yugto. Ang unang yugto ng pagsunog ay nagaganap sa pag-kolekta ng hindi kinakailangang gas na nagyayari pagkatapos ng pagsasalin ng talumpak. Ang pangalawang yugto ay ang pagsunog ng carbon sa talumpak na hindi agad natatapos. Ang pagsusunog sa Fluidized Bed ang tinaguriang pinaka epektibong sistema sa pagsusunog ng talumpak.
|